Kaya mo bang palayain ang taong mahal mo para siya lumigaya? Paano kung ang akala mong tamang desisyon ay mali pala? Pagsisisihan mo ba o mag-mo-move-on ka na lang? Inakala ni Anekha na tama ang desisyon niyang palayain ang high school sweetheart niya na si Jonathan para maging masaya at maligaya ito kasama si Clarise---ang babaeng ipinalit nito sa kanya. Kahit na napakasakit ay lakas loob niyang pinagbilinan si Clarise na alagaan at ingatan niya si Jonathan dahil mahal na mahal niya ito. Matapos ang pagkikita nila sa guardhouse ay mabilis niyang iniwan ang dalawa at ipinangakong kakalimutan na si Jonathan. Ngunit mapagbiro ang tadhana, makalipas ang sampung taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas sa Toronto. Pinakiusapan siya ng kaibigan niyang si Mavis na siya muna ang mag-relieve sa kanya para alagaan ang disable patient nito dahil kailangan nitong ura-uradang umuwi sa Pilipinas. Nagkataon naman na bakasyon niya ng three weeks at dahil sa pamimilit nito sa kanya kaya pumayag na siya. Pero hindi niya akalain na sa pagpunta niya sa bahay ng pasyente ni Mavis ay makikita niya si Jonathan. Nabigla siya dahil sa nakitang kalagayan ng lalaki at sa galit sa mga mata nito pero mas nabigla siya sa damdaming muling umuusbong sa puso niya. ---Mahal pa rin niya si Jonathan. Tatakbo ba ulit siya at iiwanan niya ang lalaki o magpapatuloy siya kahit galit at ayaw ni Jonathan sa kanya?