WAY BACK INTO LOVE

WAY BACK INTO LOVE

  • WpView
    MGA BUMASA 10,066
  • WpVote
    Mga Boto 247
  • WpPart
    Mga Parte 42
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeHuling na-publish Tue, Nov 3, 2015
WpInfo
Fiction
Romance
TEASER: ARYANA FUENTES.... Natupad ang pangarap ni Aryana na maging kabiyak ng puso si Jeffri sa kabila ng katotohanang sumunod lamang ito sa kagustuhan ng kanyang amang namayapa. Ayon sa last will and testament ng ama ay mawawala ang lahat ng kayamanang nararapat sa kanya bilang nag-iisang taga-pagmana kung hindi siya magpapakasal sa binata. Ang binatang mula noong maging bodyguard nya ay naging kaaway na rin nya. Sa kabila noon ay itinago nya ang tunay na nararamdaman nya rito sa pamamagitan ng pagsusuplada. He knows her as a spoiled brat, an only child that is rebellious with nothing. Dahil iyon lang ang nakikita ng lahat sa kanya, isang rebelde. Tanging ang kababatang si Brylle ang tunay na nakakaalam ng tunay nyang saloobin. Ang tunay na dahilan ng kanyang pagtataray at walang pakundangang pagsagot ng pabalang sa ama ay ang kawalan nito ng oras sa kanya mula noong mamatay ang ina. JEFFRI TRISNU.... Pumasok na bodyguard ng mataray na anak ng isang kilalang negosyante sa kanilang lipunang ginagalawan. Ulilang lubos na pagkatapos patayin ang kanyang mga magulang at kamkamin ang ari-arian ng mga ito, inampon ng mag-asawang Mr. and Mrs. Trisnu. Pinalaki at itinuring na tunay na apo ng mga ito at ginawang taga-pagmana ng mga ito sa kanilang mga negosyo sa Pilipinas bago pinagpasyahang bumalik sa Persia at gampanan ang iniwang responsibilidad, bilang isa sa nakakatandang prinsepe. Pinagtyagaan ang pag-uugali ng dalagang spoiled brat hindi lang dahil trabaho nya ito kundi dahil sa unang kita pa lamang nya dito ay pumitlag na ang kanyang natutulog na puso. Hanggang saan at hanggang kailan makakaya ng dalawang puso ang itago ang nararamdaman? Ating subaybayan ang masalimuot na buhay-pag-ibig nina ARYANA at JEFFRI!
All Rights Reserved
#171
arts
WpChevronRight
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • TAINTING HER INNOCENCE (R18+)
  • Unremembered Love (Completed)
  • Beautiful Mistake (Published under Bliss Books)
  • Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
  • SUBMISSIVE LOVE
  • MADELIN'S DIARY
  • Villa Martinez Series #2: Love After The Lies (Published)

Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo. Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya. Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong itinakip sa ilong at bibig niya na mayroong kakaibang amoy. Nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya. Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman