Yung pakiramdam na hindi na masaya ang buhay, yung wala ka nang kakampi sa buhay, yung feeling mo ay nag-iisa ka nalang, yung pakiramdam na pasan-pasan mo ang mundo dahil sa bigat nang iyong problema at yung iniisip mo na wala ng silbi ang iyong buhay-iyan ang naramdaman ni Alena Liaz. Isang araw nais na niyang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay. Pero bago siya tuluyang makatalon ay may isang lalaki na nakausap niya. Binigyan siya nito ng mga salitang di niya lubos maintindihan. Binigyan din siya ng mga babala nito. Hindi na niya ito pinakinggan at tinapos na niya ang kanyang buhay. Habang nasa bingit siya ng kamatayan ay biglang nagbago ang isip niya. Naisip niya ang kanyang pamilya at lalo na ang mga kapatid niya kaya ninais niyang umahon para mabuhay. Laking gulat niya nang pag-ahon niya ay ibang mundo na ang kanyang nakita o mas mabuting sabihing ibang panahon ang kanyang nasaksihan. Makalumang tao ang kanyang natunghayan na nakasuot ng mga makalumang damit. "Hindi ito maari! Nasaan ako?"iyan lamang ang lumabas sa kanyang isipan. Posible kayang mahanap niya ang pag-asa na kanyang inaasam, ang kaligayang kanyang ninanais at ang pag-ibig na kanyang pinapangarap sa taong 1892? At hindi lang iyon, meron din siyang misyon na dapat mapagtagumpayan. Paano kaya niya ito mapagtatagumpayan kung marami naman ang hahadlang? Sa taon kung saan laganap ang paghihirap, magkakaroon nga kaya rito ng magandang wakas? madamedamin 2017
7 parts