Ito ay istorya ni Adan na nagkaroon ng kakaibang pagkakataon na makita ang sariling hinaharap sa kanyang panaginip. Maaaring ito ay kalamangan dahil sa ideyang idinudulot sa pagpunta nya sa kanyang hinaharap gamit ang panaginip at subukang baguhin ang kahihinatnan ng riyalidad. Ngunit isang bagay ang hindi niya maaaring puntahan. At iyon ay ang nakaraan. Paano nya babaguhin ang hinaharap kung ang dahilan nito ay nanggaling sa nakaraan na hindi na kailanman mababago.