Kailan ang birthday mo? So your zodiac sign is? Okay! Compatible with... Iaasa mo nga ba sa mga bituin ang iyong buhay pag-ibig? Ihalintulad sa pagkakahanay nila ang bawat pangyayari sa iyong kapalaran? Danica Estrella, isang fine arts student na sobrang hilig sa mga bituin ngunit nag-aagam agam paniwalaan ang kanilang mga suhestiyon. Binabasa palagi ang Horoscope ngunit kokontrahin ang bawat imik nito. Isang araw matapos nilang maghiwalay ng kanyang so-called ex boyfriend, at instant na naging horoscope niya ang basehan ng kanyang buhay pag-ibig. Lucky color. Lucky number. Iwasan ang mga ganito at ganyang pangyayari. Perpektong lugar sa perkpektong pagkakaton. Pisces, simbolo ng mga isda sa karagatan. Mabibingwit nga kaya siya ng tamang lalaki?Dadalhin nga kaya siya ng mga bituin sa kanyang malawakang pagtuklas ng pag-ibig?