TAGLISH- Meron bang isang taong ipapadala ng tadhana para mahalin ka ng buo at hinding hindi ka iiwan sa ere magisa? Sa isang kisap ng iyong mga mata ay marami ang maaaring mangyari. Pwede kang manatili sa kung saan ka naroroon o pwede ka rin namang umalis at lumisan papalayo. Si Elle Kimberly, isang dilag na sa isang kisap mata ay mababago ang pananaw sa pag-ibig. Dati rati ay simple lang naman ang pagkakaunawa ni Kim sa pagibig na yan, palaging may "nangiiwan" at palaging may "iniiwanan." Ramdam pa rin niya ang kirot sa kanyang puso dahil sa kanyang past love, na nasira dahil sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanila kahit hindi naman talaga alam ang tunay na kwento ng kanyang buhay. Isang broken hearted na babae na naging mas matapang (bitter) at matatag sa mga chismis ng iba. Sawang sawa na siya sa salitang pag-ibig na yan, kaya inayawan na niya ito. Kung walang imposible dito sa mundo, may pag asa pa kayang mabago ang kanyang paniniwala sa pag mamahal? Kaya pa kaya itong mabago ng isang taong ibibigay ang lahat para lang para sa kanyang minamahal? Tulad ni Ricci na ang walang ibang gustong gawin kundi bigyan ng mga ngiti ang iyong matabang na mukha,ituring kang parang prinsesa at yayakapin ka pag kailangan mo ng isang kaibigan. Makukulayan ba ng positibong si Ricci Andrei Villacorte ang tila coloring book na buhay ni Kim? FICTIONAll Rights Reserved