Kasalukuyan ng natapos ang digmaan sa pagitan ng tatlong kaharian ng Sarim laban sa Black Lotus o ang hukbo ng mga rebolusyonaryo na pinapangunahan ni Darel Arvantes. Ang utak sa likod ng samahan na ito ay ang Panginoon ng Nedaros na si Nesardon na gustong umangkin sa kapangyarihan ng hihiranging Tagapagtanggol ng Entaros na si Jharel. Napagwagian nila ang digmaan at nalaman ang tunay na katauhan ni Nesardon. Gayunpaman patuloy pa rin ang pagkilos ng hukbo ng mga Nedaros na pinapalakad ng misteryosong Nedaros na tinatawag na Nekarga. Tagumpay na natagpuan ni Jharel ang kaniyang ina at makilala ang kaniyang ama na isa sa mga magigiting na mandirigma noong una. Hindi pa niya sila tuluyang makakasama ngunit makakaasa siyang magkikita muli sila sa darating na panahon na mapagtagumpayan niya ang misyon. Ipagpapatuloy niya ang pakikipagsapalaran sa mahiwagang mundo ng mga mortal at Sehar, mahanap at matipon ang mga kababayan niya sa Ersahan o mundo ng walang mahika.