"We are meant to love each other but we are not meant to be together." Masakit man, pero yun ang totoo. Walang isang araw ang hindi sya umiiyak dahil sa labis na sakit na dulot ng kanyang pagmamahal. Iyak sya ng iyak kahit alam nyang ang lahat ay hindi na maibabalik pa, umaasa pa rin sya. Umaasa parin sya na babalik ang lalaking kanyang pinakamamahal, umaasa sya na sana panaginip lang ang lahat dahil hindi nya kayang tanggapin na wala na sa tabi nya ang lalaking dahilan kung bakit sya masaya. Hindi nya kayang tanggapin ang katotohanang hindi na madadagdagan pa ang kasiyahan nyang sya lamang ang nakakapagbigay. Ngayong wala na ang lalaking pinakamamahal, sya ay nagiisa na lamang. Kung kaya't patuloy nyang binabalikan ang lahat ng masasayang alaala. "The time when you're still beside me." ---: GUYS MAS MAGANDA KUNG YUNG PROLOGUE ANG BABASAHIN NYO. Sinusubukan ko talaga ang tagalog HAHAHA