Mortis High School ang pangarap na paaralan ni Nykka noon pa man. Isa kasi ito sa mga prestigious school sa kanilang bansa at kilala sa mga pinoproduce nitong competitive graduates. Sa pagtungtong niya sa paaralang ito ay nagbago nang husto ang kaniyang pagtingin sa pangarap niyang school. Marami pala ang namamatay na mga estudyante rito at hindi man lang ito lumalabas sa media. And then she met Angelo Festin, sa kabila ng matipuno nitong pangangatawan ay hindi niya maiwasan ang mabilis na pagtibok sa kaniyang dibdib. Dahil kaya ito sa hinala niyang may kinalaman ito sa mga pagpatay, o may iba pang mas malalim na dahilan?