Sa pagtatapos ng Book 1 ng FIRST LOVE vs TRUE LOVE, Ano sa palagay ninyo ang mangyayari?
Nasagot ba ang mga tanong ninyo tungkol sa sino ang pipiliin at dapat piliin? First Love ba o ang True Love?
Dito na ba talaga magwawakas ang masaya, magulong buhay pag-ibig nina Tristan at Yani ?
Sa tuluyang pag-suko ni Julian sa pag-ibig niya kay Yani, malalabanan pa rin ba niya ang sigaw ng kanyang damdamin?
Sabi nila kapag nagmahal ka, nagiging bulag, bingi at manhid ka. Bulag sa katotohan, Bingi sa mga kadahilanan, at manhid sa mga nararamdaman.
Sa huling libro ng “First Love vs True Love” dito ninyo malalaman kung ano ang kayang gawin ng isang taong labis na nagmamahal. Maaring tama, maaring mali, pero ika nga nila, ang tanging kasalanan ko lang ay nagmahal ako ng lubusan..
Samahan ninyo akong, tuklasin ang mga pangako, ang mga pagsisinungaling, at ang mga lihim ng nakaraan.
Samahan ninyo akong pumasok sa kanilang mundo,at sabay sabay tayong mag-isip, Sino nga ba ang dapat piliin FIRST LOVE o ang TRUE LOVE?
****
“Hinde mahalaga kung sino ang First Love o sino ang true love ang mahalaga, Nagmahal ka, at dahil doon.naging masaya ka.”
Adelaine Yawyawil