-COMPLETED- Kapag nasira na ang mundo, paano na ang mga nakatira rito? Lumolobong populasyon ng mga tao. Kakulangan sa pagkain at tubig. At kapag ang mayayaman ang nasa itaas ng lipunan, siguradong magtatago ang mahihirap. Ang mga babae ay sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa hindi malamang dahilan. Dahilan na tanging ang HLG o Human Liberation Group lang ang nakakaalam. Margaret just wanted to keep their people safe. Isa siya sa mga rebeldeng lumalaban sa pamahalaan. Ang solusyon ng pamahalaan sa overpopulation? Ubusin ang mahihirap. Sa mundong tuyot na ang lupa at wala ng puno at halaman na nabubuhay. Walang mga damong makain ang mga hayop na isa-isa na ring namamatay... Ang maruruming ilog at sapa na hindi na rin mapakinabangan. Ang mga kabundukang matagal ng nakalbo. Saan nakukuha ng Gobyerno at mayayaman ang supply ng pagkain nila? Matira ang matibay sa bagong mundo na ito. Magawa kaya ni Margaret na iligtas ang kaniyang mga kasamahan, kung isa siyang babae at hinahabol din ng pamahalaan. Sa paglapit ni Margaret kay Zach, magawa kaya siyang tulungan ng binatang walang ibang ginawa kundi ang iligtas lang ang sarili niya. Mahirap laban sa mayaman. Gobyerno laban sa mga rebelde. Isang mundo. At ngayong nasira na ito ng mga tao, sisirain din ba ng mga tao ang isa't isa? --- © All rights reserved 2017All Rights Reserved