Tinamaan nga ako. Hayyyy. Ako na naman ang magdudusa kung palagi nalang akong ganito. Sana kapareho ko yung babaeng nasa libro noh? Yung babaeng matapang at palaban. Hindi nahihiya na ligawan n'ya ang iniibig n'ya. Sana ganoon ako ka-shunga at ka-gaga. Pero hindi ko kaya yun. Paano kung subukan ko? Ano kaya ang mangyayari? Pero kung hindi talaga kami pwede... Paano nalang ako? Paano nalang ang puso ko?