25 parts Ongoing Huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong.
Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko.
Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat na Ang public school.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, eto ang nagkataon na paaralan Ang tanging tumanggap saakin. Masaya ako Kasi nakapag aral ako , ngunit Hindi ko alam na Ang kapalit pala nun ay paghihirap.
I was just a scholar in this school, kaya siguro mainit Ang dugo nila saakin.
Napasinghot ako ng maramdaman Ang muling pagtulo ng luha. Mula recess time ay nakakulong na ako rito, at ngayon ay maghahapon na. Ramdam ko na Ang matinding pagod at gutom.
Tingin ko ay magiging katapusan ko na ito.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may magbubukas ng pintuan. Napadilat ang mata ko Ng kaunti , ngunit di ko magawang iangat ang sailing ulo. Sa matinding gutom at pagod ay hirap akong gumalaw tanging pagyakap sa sariling katawan ang aking kayang Gawin.
"I'm sorry if I did this to you." Ani ng Isang tinig na malamig, sa boses palang ay kilala ko na ito. Napahikbi ako sa takot. B-bakit ginagawa nya ito saakin. Hindi ko naman sya kilala. Isa lang akong transferee SA school na ito at ang malala pa ay wala talaga akong maibubuga pagdating sa yaman.
"You made me do this to you , your stubborn " Ani pa nito , sabay lakad palapit saakin. Gusto kung lumayo ngunit Hindi ko magalaw ang katawan ko. Tanging iyak lang ang kaya ko.
Hinawakan nito ang Mukha ko at pinaharap sa kanya , pinilit Kong idilat ang MGA mata ko. Sumalubong ang malumanay nitong titig na aakalain mong may pakealam talaga sya saakin.
Napa buntong hininga ito , kinarga nya ako na parang bagong kasal. Wala akong nagawa kundi Ang Hindi tumutol, Wala na akong lakas kaya naipikit ko Ang magkabilang mata.
--