Sa panahon ngayon, madalas na ang discrimination. Yung bang,
madaling i judge ang relationship ng both sexes.
Mali ba talaga ito?
Pag sinabing babae, kailangan ba para sa lalaki na agad?
Pag sinabing lalaki, kailangan ba para sa babae na agad?
Sa mata ng tao, mali ang ganito.
Sa mata ng Diyos, hindi tama ang ganitong uri ng pagmamahalan.
Ngunit sa mata ng dalawang taong nagmamahalan, mali din ba
ito? Mapipigil ba nila ang bugso ng damdamin kung sila'y kapwa ng nahulog sa isa't-isa?
Sinasabing bulag talaga ang pag ibig. At para sa mga taong ito,
walang tama o mali. Walang makakapigil sa kanila at walang magiging
hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa.
--
This is just a story. Lahat ng mababasa ninyo ay pawang kathang-isip lamang ng taong may malawak na himahinasyon at pag iisip ukol sa ganitong uri ng pagmamahalan.
Walang halong pagsi-simpatya sa kahit ano mang kampo, mapa-homosexual o mapa-bisexual man.
Kung ikaw ay makakarelate sa ano mang eksena o sitwasyon sa kwentong ito, ramdam mo ang kalagayan ng bawat taong nagmamahal sa kapwa nila. (bisexual)
Kung hindi mo gusto ang nasasaad sa kwentong ito, mag isip ka. Hindi lang ikaw ang nabubuhay at ang may karapatang magmahal.
Watch your reactions guys :) This was just purely my product of imagination.
(author)
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.