"I am your father, you must respect me!," galit na sigaw ni Norman kay Taka. Sa kabila kasi ng kabi-kabilaan niyang paninirmon dito ay hindi nakikinig ang dalagita sa kanya. "I doubt it. You're not my father and I will never ever be your daughter," balik sigaw naman ni Taka sa lalaki. 'I will never treat you as my father 'cause my hearts belong to you,' sigaw ng kanyang puso. Dalawang taong pinagtagpo ng kapalaran. Taong magiging magkapamilya sa kabila ng kawalan ngunit paano kung ang pamilyang dahilan kung bakit sila nagsama ay siyang dahilan rin para maghiwalay sila. Si Norman Dave Sevilla, anak ng isang Senador at Congressman sa edad na dise-otso ay mauulila. At sa pagkamatay ng magulang maiiwan ang dungis ng pangalang tinataglay dahil sa kabi-kabilaang pag-uugnay sa mga magulang sa isang drug syndicate. Sa edad na dise-otso ay mapapasubok siya sa isang malaking responsibilidad. Ang ampunin ang sanggol na iniwan sa harap ng kanilang mansyon. Ngunit papaano kung sa paglaki ng batang itinuring mong anak ay unti-unting mabubuhay ang pag-ibig para rito. Paano mo paglalabanan ng sulak ng pag-ibig kung sa edad pa lang ay dehado ka na. Si Mary Taka, sa edad na labing apat ay umusbong ang pag-ibig sa lalaking itinuring niyang ama. Sa pagdaan ng mga araw ay tila mamamatay ang puso niya sa tuwing nakikita niya itong kasama ang ibang babae. Sa pagiging sutil at pasaway niya binuhos ang lahat para makuha ang atensyon nito. Sa di inaasahang pagkakataon, bigla siya nitong pinadala sa Amerika. Sa Amerika nakilala niya si Black Dragon. Nahasa at sinanay siya nito at naging kasapi nga siya sa anim na babaeng humubuo sa isang secret group ng NBI. Sa pagtuklas sa katotohanan tungkol sa tunay na magulang mauungkat ang lihim na matagal nang nakabaon. Paano niya magagawang paghigantihan ang taong pinagkakautangan niya ng buhay na meron siya at lalong lalo na ang lalaking sinisigaw ng kanyang puso. Handa ba niyang isugal ang puso para sa hustisya ng mga magulang.All Rights Reserved