Si Ara Lucifier ay isang babaeng alam mong may maipagmamalaki. Simula ulo hanggang paa, alam mo nang hinahangaan siya ng lahat. Pinagaagawan ng lahat, mapa-lalaki pa man o kahit tomboy pa. Hinahangaan ng mga babae o kahit bakla pa dahil sa katangi-tanging ganda. Mayaman, Matalino, Sexy, Mala-dyosang ganda, Mapagmahal na pamilya, Mga taong nagmamahal sakanya, Kasikatan, Career na maganda at super talented na babae. Yan ang mga meron siya. Ano pa nga ba ang mahihiling niya para sa sarili niya? Ano pa nga ba ang gusto niyang makamit sa mundong 'to? Oo, Tinatamasa at nasa kanya na ang lahat ng iyan. Ngunit bakit nga ba ganun na lang kasama ang ugali niya? Bakit nga ba ganun na lang kung makapagmaldita siya? Sadya bang may kinalaman ang apelyido niya kaya masama ang ugali niya?