"Kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya 'Lo. Never!" dinig na dinig ang tinig ng lalaki. Napamura siya sa narinig. 'Ipapalamon ko sa'yo ang bawat salitang binitiwan mo!' WIL LIAM HERBOSA, mayabang, mahangin, ma-ere, maangas at matapang. Ngunit sa kung anong tapang at yabang niya ay may isang bagay itong kinakatakutan iyon ay ang magmaneho. Mula nang maaksidente sila dahilan ng kamatayan ng mga magulang ay tila nagkaroon ito ng trauma. Mula noon ay hindi na siya nagmaneho pa. ABBY GAIL GONZALGO, seksi, mabait, matalino. Bihasa sa martial arts at isang karerista. Madalas siyang laman ng mga presento dahil sa drag racing na sinasalihan magkapera lamang. Madalas siyang mapagkamalang tomboy sa kilos at galaw ngunit taliwas kung paano siya magdamit. Dahil lahat ng kalalakihan ay nagsisilingunan kapag siya ay napadaan. Sa oras ng kanyang kagipitan. Handa ba niyang tanggapin ang alok ni Don Julio na maging driver-bodyguard ng apo nito kapalit ng malaking halaga? Makakaya kaya niyang tagalan ang kayabangan ng apo nito? Sa karera sa daan ay kayang-kayang makipagpatintero, sa karera ng buhay ay kayang-kayang lagpasan, eh sa karera ng pag-ibig kayang-kaya din kaya niyang manalo?All Rights Reserved