Sa hindi inaasahang pagkakataon na mukha naman talagang itinakda ng panahon, magbabalik ang mukha ng nakaraan na matagal nang nabaon at nakalimutan. Labing tatlong dekada, limang henerasyong naglipana, ang muling pagsilang ay naganap na, sa katauhan ni Ana Sofia Esperanza.
Sa kadahilanang may pangakong binitiwan ang dalawang nagmamahalang magkasintahan. Sa henerasyong ito mapapatunayan, kung ang pag-ibig nga ba'y wagas at magpakailanman. Sa bayan ng Sta. Barbara, doon lahat ito'y magsisimula. Pagtatagpuin na di kaya ng tadhana, sina Aurora Esperanza at Ana Sofia. Ang itinakda'y magpapasya, kung isasakatuparan nga ba ang mga pangakong binitiwan ng mag-sinta. Pinaglaruan man ng tadhana noon, nagbabalik naman sa pangalawang pagkakataon, parehong mukha ngunit ibang henerasyon, pag-ibig ay ipaglalaban ngayong pagkakataon.
Once, twice, three times a lady. Isang kwento ng babaeng sinubok ng tadhana, nasaktan ng kahapon, at muling sinilang ng panahon. Subalit ang tadhana ay sadyang mapagbiro. Mapaglaro kung kailan ay ayaw mo na, at parang bulang maglalaho kung kailan ay gusto mo pa. At kung sakaling magtagpo man ang kahapon at ngayon, ano nga ba ang mas matimbang at nararapat piliin para sa mapayapa at masayang bukas? Tuluyan nga bang naghihilom ang mga sugat at nabubura ang mga alaala? O natutulog lamang ito para muling magising kung kailan ay maligaya ka nang tunay?