Hindi sa man-hater si Jade Fernandez. Masyado lang siyang independent at proud para mangailangan ng kung sino para sumaya. She believed she could be what she wanted to be, reach whatever she had been dreaming of-kahit pa tumanda siyang mag-isa. Leksyon niya iyon mula sa mga karanasan ng kanyang mga magulang. Pero masyadong persistent si TJ Arcaraz. Wala itong ginawa kundi 'ibenta' sa kanya ang FABs-or Features, Advantages and Benefits-ng pagkakaroon ng nobyo. At sa matatamis na ngiti nito at malalambing na tingin, mukhang hindi na kailangan ni TJ na mag-'hard sell' para kumbinsihin siya....