Simula pagkabata ay ang apat na sulok lamang ng kanyang silid ang palaging naabot ng paningin niya sa tuwing gigising sa umaga hanggang sa sumapit ang gabi. Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat pagkatapos ng kanyang kaarawan at magpunta sa Hanseong upang ipasyal siya ng ama, marami siyang natuklasang bagay habang nasa labas ng apat na sulok ng kaniyang silid sa tahanan sa Hamgyeong... isa na roon ay nang makilala niya ang lalaking si Lee Sung na walang humpay siyang ginugulo at kinukulit na maging kaibigan nito, subalit paano na lang kung malaman nitong babae siya at nagpapanggap lamang na lalaki upang maitago ang tunay na pagkatao? Ano na ngayon ang mangyayari sa kanya kapag nalaman niya ang dahilan sa pagtago sa kanya ng ama sa loob ng napakahabang panahon?
More details