"Don't worry, Ma. I grew up. I learned. Madaling kilalanin ang mga gaya nilang manggagamit lang. Hindi ako tanga na maloloko ng dalawang beses kaya huwag ka nang mag-alala. It's my way and my pace. Since I know how to be serious, then I perfectly know either how to play." Kung hindi pa narinig ni Danica ang sinabi ni Bracks ay hindi niya pa mapagtatanto na mahal niya ito. Ang buong akala kasi niya ay pagtinging kapatid lang ang nararamdaman niya rito. The moment her heart trusted him, she thought he will never hurt her. Kaso ay pakitang-tao lang pala ang lahat. Manggagamit pala ang tingin nito sa kanya at kung bakit nito nasabi iyon ay hindi niya maintindihan. Worst, he judged her without even knowing her background. Kaya kasabay ng sakit ay labis na galit ang pumuno sa kanya. Apat na taon... ginugol niya ang bawat oras sa paghubog sa sarili mula pisikal na anyo hanggang sa ugali. Kung 'di pa siya nasaktan, hindi niya pa tatanggapin ang pagkataong ni sa panaginip ay 'di niya inasam. And she became the cold Trixia Allegre of Capogian Grande. Pero ika nga, hindi basta-basta maiaalis ang natural na. Dahil nang buksan ang CG Cares Orphange ay mistulang bumalik ang dating pagkatao niya. Bumalik ang dating Danica nang makaharap niya ang mga bata at lalaking akala niya ay nakalimutan na niya. "Honey..." Trixia thought she already get rid of Bracks. But when he smiled, her new world gone haywire.