Saglit na napagmasdan ni Adelline ang lalake na kanyang iniligtas sa dagat . Matipuno ang pangangatawan at bagamat nakapikit,mapapansin na maganda ang mga pares ng mga mata nito. Pero kita sa mukha ang hirap na pinagdaanan sa trahedyang sinapit nito. Oo,kailangan nga nito ng tulong niya ngayon. Dali-dali niya itong binigyan ng CPR. "Diyos ko po,bigyan niyo po ng pangalawang buhay ang lalakeng ito," ang taimtim niyang naipanalangin.
1 part