Kanina pa talaga ako hindi mapakali, pakiramdam ko may nakatingin sakin. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking buhok sa isang salamin ng biglang bumukas ang isang closet na nasa dulo ng aking bagong kwarto.Tumayo ako para puntahan ito upang isara, habang papalapit ako dito isa-isang nagsitaasan ang aking mga balahibo, plano ko rin sanang tignan kung ano ang nasa loob nito. Nang makalapit na ako, wala akong nakitang kahit ano sa loob ng closet. Isasara kona sana ang closet ng tawagin ako ni mama. Kaya mas minabuti kona lamang na bumaba.Pagkabalik ko ng aking kwarto laking gulat ko ng makitang nakasara na ang closet. Isang tanong ang namuo sa aking isip, yun ay kung.. NAISARA KO BA ?