Meet JANTZEN LIM. Cute pero MATABA -este MEDYO MATABA. Medyo lang ha! Para siyang baboy. Wala siyang mga kaibigan. Infact, lagi siyang binubully ng dalawa niyang classmate na sina John at Jojo. One day, habang umuulan nun, nakilala niya ang isang babae. Siya si Justine. Ang babaeng naging dahilan upang tumibok ng kay bilis bilis ang kaniyang puso. Naging kaibigan niya ito, ang pinaka una niyang kaibigan. Naging mag-bestfriend pa nga sila e! Nagkagusto siya dito pero hindi pa man siya nakakaamin, naunahan na agad siya ng kaklase niya kaya eto, naging brokenhearted ang ating bida. At sa mismong araw na yun, nakilala naman niya si Nicolle -ang amazona at ang babaeng nagligtas sa buhay niya. Magawa niya kayang maka-move on sa bestfriend niya? Mahanap na kaya niya ang babaeng magmamahal DIN sa kanya? Eh paano kung kahit anong gawin niya, eh pagtagpuin pa rin sila ni Tadhana? Pumayat naman kaya siya? 1% non-fiction and 99% fiction. Ang diary ni JANTZEN LIM :)