May kapangyarihan siya, alam niya iyon umpisa pa lang. Marami ang ayaw sa kanya, marami ang nanlalait sa kanya, at iniwan na rin siya. Ganoon na lamang ba ang buhay niya palagi? Paano kung papasok siya sa ibang mundo? Sa mundo kung saan siya nababagay. Dito niya makikilala ang mga kasamahan niya. Sa kaunting panahon na nakilala niya ang mga ito ay komportable at masaya siyang kasama ang mga ito. Tanggap siya ng mga ito ng buong-buo. Isang misyon - isang misyon ang makapagbabago ng lahat, dito niya nalaman ang mga sekreto. Mga sekretong mababago ang hinaharap. Dito rin niya makikilala ang dalawang Diyos. Diyos? Oo, Diyos nga at dalawa pa sila. Dalawang Diyos na mag-aagawan sa puso ng isang Diyosa, saan hahantong ang lahat? Sa pagkakaibigan o pag-aaway? Ang tungkulin ng Diyosa ay ang magbalanse sa tatlong mundo at hindi para magmahal. May pipiliin kaya siya? SEQUEL : I'm a Slayer Highest rank achieved: Rank 1 #Balance Rank 9 #Elementalist