isang kubo sa gitna ng liblib na lugar.Walang katao-tao.tanging siya lang at ang limang lalakingdumukot sa kanya ang nandoon. Wala siyang mahingan ng tulong. Gusto niyang magsisigaw pero alam niya sa sarili niya na walang makakarinig sa kanya. Sa tabi niya ay nakaupo ang kanyang bantay. Mas lalong nadurog ang puso niya hindi dahil sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kanya kundi dahil sa sakit na naramdaman niya. Ang lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay, ngayon ay nasa tabi niya at isa sa mga taong naglagay sa kanya sa peligro. Ang lalaking 'to, ang lalaking gusto niyang pagkatiwalaan sa buhay niya, ay isa mga taong dumukot sa kanya.
5 parts