NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :)
PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^
Published: April 2012
"Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter 'G' ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa 'yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya."
Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny.
Ang problema, dalawang "Mr. G" ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong "ampon" ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating. Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni Alec, nagtaka pa siya sa sarili kung bakit nakadama pa siya ng simpatya rito.
Pero hindi pa rin ito tumigil sa pang-aapi sa tulad niyang maliit na negosyante. Kaya ipinamukha niya kay Alec ang nalaman niyang lihim nito.
"Hanggang diyan ka na lang, Mr. Buenaventura. Alam ko ang rason kung bakit hanggang patikim-tikim ka lang."
Gumuhit ang pagtataka sa anyo nito.
"Gusto mo ako, hindi ba?Unfortunatey, hanggang halik lang ang kaya mong gawin."
Halos magdugo ang mga labi ni Eliza nang halikan siya ni Alec. Naramdaman pa niya ang paglilikot ng kamay nito sa loob ng suot na blusa. Pero alam niyang ligtas siya sa kapahamakan.
Nang biglang manlaki ang mga mata niya sa naramdamang matigas na 'bagay' sa gawing hita niya.
"There's no stopping now, Liz..."