" 10 years na ang facebook, 5 years na ang account ko .. apat na taon na simula nung makilala ko sya .. apat na taon na rin akong like ng like, comment ng comment sa mga status update nya. sa loob ng apat na taon na yun, naging follower nya lang ako ... hindi man lang nya ma-accept ang friend request ko.. hindi man lang sya makapag-thank you sa mga positive comments ko . alam mo ba ang ibig sabihin nun? panahon na para mapagod. panahon na para sabihin ko sa sarili ko na kahit i-activate ko pa ang auto-like at auto-comment para sa kanya ... wala akong pag-asang mapansin nya .. kasi manhid sya, kasi wala syang pakialam .. kasi gusto nya lang magpa-follow .. at wala syang pakialam sa mga likes at comments mo dahil kahit mawala ka man .. popular pa rin sya. pagod na ako .. ayoko ng umasa .. panahon na para kalimutan sya .. panahon na para magmove-on .. at panahon na para magtwitter!"
7 parts