Brusko si Chester, lahat ng katangian na pinangarap sa isang lalaki ay wala sa kanya, hindi siya ang tipong may pangarap sa buhay, kumain lang sa araw araw ay sapat na sa binata. Ano lang ang meron siya? Guwapo. Ideal girl si Zaina, halos mga katangian ng babae na kababaliwan ay tinataglay nya. Ang maiangat ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya,ang kanyang layunin. Sila ang paglalaruan ng tadhana upang malaman kung ano ang kahulugan ng Pagibig. Ano ang biro ng kapalaran upang Silang dalawa ay nanaising ibalik ang kahapon kung saka sakali.