Paano pag nag kabali-baliktad ang mundo, tapos lahat ng imposible naging posible? Lahat ng mga bagay na hindi maintindihan.. Bigla nalang nagkaroon ng mga sagot. Mga bagay na mali, binigyan ng paraan para maging tama. Hindi natin masasabi. Mahirap, magulo, maloko at mapaglaro ang buhay ng tao eh. Hindi naman kasi lahat nabibigyan ng sagot. Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon. Hindi lahat nabibigyan ng oras. Hindi lahat napapakinggan, at hindi lahat naiintindihan. "Tara, sabay nalang sa agos ng tadhana."