Paano kung maging isa kang 'FAKE GIRLFRIEND' ng isang sikat at heartthrob na lalaki sa eskwelahang pinapasukan mo? Madami kang nagiging haters dahil sa pagiging girlfriend ng isang pinaka-gwapong lalaki sa eskwelahan. Isa ka lang naman daw 'pangit'. Paano kung inakala mo na mahal ka niya pero hindi naman pala? Paano kung may sinabi siya sa iyong isang rason kung bakit gusto ka niyang maging 'Fake Girlfriend' pero hindi naman pala totoo? Na isa lang pala iyong 'DARE' nilang magkakaibigan? Na plano nilang pa-ibigin ka at saktan? Ano din kaya ang mangyayari kapag dumating na sa puntong wasak na wasak na yung puso ko kaya naisipan kong magbago para sa kapakanan ko?