Sa ginagalawan nating mundo, may mga bagay na 'di natin alam na nandyan. Tanging mga bukas na isipan at malinaw na mata lamang ang siyang makakakita. Maliit palang si Gean ay marami na siyang nakikitang mga taong namayapa na. Mga taong ang mga kaluluwa ay hindi pa nakikita ang Liwanag na matagal ng hinahanap. Pilit niyang iwinawaksi ang mga ito sa kanyang buhay upang mamuhay ng normal. Pero... Nang makilala niya ang isang kaluluwa na nanghihingi ng tulong sa kanya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Paano niya ito tutulungan kung ang ibang kaluluwa ay gusto din siyang lapitan?