Matagal na panahon akong naghintay.
Matagal na panahon akong umaasa.
ngunit ang napakatagal na'yon ay natapos na. Mula sa paghihintay, napalitan na ito ng kilig at saya...
Walang dahilan kung bakit ko siya minahal. Basta ang alam ko lang, sa kaniya lang tumibok ng ganito ang puso ko.
Paghiwalayin man kami ng tadhana pero kung para talaga kami sa isa't isa, kami talaga hanggang dulo.
Hangga't mahal ko siya maghihintay ako.
Gaano pa katagal. Kahit gaano pa kahirap. Hihintayin ko siya.