This novel was published by Precious Pages Corporation under Precious Hearts Romances imprint, 30 September 2009.
Catchline:
"Ang gusto ko, kung saan ka, doon din ako dahil gusto kitang makita palagi at mapalapit sa 'yo. Pasensiya ka na. Sinusunod ko lang naman ang sinasabi ng puso ko."
Teaser:
Sabi kay Ladylyn ni Princeton, na-love at first sight daw ito sa kanya nang una sila nitong nagkita. Kaya, para daw mapalapit ito sa kanya, lumipat ito sa unibersidad kung saan siya nag-aaral, tumira sa boarding house na tinutuluyan niya at nagtrabaho sa bakeshop na pinagtatrabahuhan niya.
Inaamin niya, may naramdaman din siya para sa binata pero binabalewala niya iyon. Dahil bukod sa inis at galit siya rito, ang kababata niya ang tanging isinisigaw ng puso niya. May girlfriend na rin naman ito. Pero mukhang seryoso talaga ito sa kanya.
Nang ma-realize naman niya na ito ang mas matimbang sa puso niya, paano naman si Janna na ayaw itong pakawalan at ang daddy nito na ayaw sa kanya para dito?
[Cover Photo (c) to PHR, PPC]
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon.
She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home.
Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya.
She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.