Sasaya ba ko kung lahat ng tungkol sa isang tao ay alam ko lalo na kung hindi ko naman sila kilala? Papakialaman ko ba ang buhay nila lalo na kung alam kong manganganib ito? Para saan ba ang kakayahang ito? Nakakatakot. Hindi ko alam kung paano ko magagamit ng tama. Hindi ko alam kung dapat ba kong lumayo sa nga taong malalapit sa akin para lang makita ko ang lahat sa kanila. Ikaw ba? Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa kinatatayuan ko? Lalayo ka ba para maprotektahan sila o mas pipilitin mong mapalapit sa kanila?
27 parts