February 14, 1976 - 10:46 pm nung una kitang makita bigla lumiwanag ang gabi ko nung nasilayan ko ang matamis mong ngiti Nagsilbi itong bituin sa madilim kong gabi, sa sobrang dilim ng paligid hindi ko kayang mangamba dahil abala ako sa pagtitig ng iyong presensiya. Malas ang araw na to dahil naghiwalay ang mga magulang ko kya nagawa kong lumayas, naglalakad habang umiiyak pero hindi ko inaasahan ang galak na aking nadarama nung makita kitang nanunuod ng mga bituin Gusto kitang samahan kaso napaka pangit tignan na kababae kong tao ako pa yung humahabol kaya nanatili ako sa pwesto ko nakatitig lamang sayo Parang ang mundo ko ay huminto Kaso nabitin ako nang makita kang papaalis, naghihinayang bakit hindi ko maitanong ang pangalan mo, Yung gabing yun ang hindi ko malilimutan. Makikita pa kaya kita? Ito yung nakasulat sa isang maliit na kwaderno na tila ba niluma na ng panahon. Kay ganda ng kanyang sulat kamay at ramdam ki ang bawat salota na kanyang naisulat. Ramdam ko ang sakit at hapdi. Bigalang nagkaroon ng maraming tanong sa aking isipan. Kanino to galeng? Sino ang gumawa nito? Para kanino to? Dahil sa matinding kuryosedad ginusto kong halangkutin pa ito akma kong ilipat at dumako sa ibang pahina. Nang makitang punit ang ibang bahagi nito. Bakit? Bakit hindi man lang pina alam kung kanino to galeng, may kinalaman ba ang pamilya ko dito? Sino ang nasa likod ng akdang malungkot na ito?