Ang bahay ay nagsilbing silungan o tirahan ng isang pamilya, at ito rin ang lugar kung saan binuo ang ating pagkatao, ng ating mga pag uugali, asal at mga nagiging pananaw sa buhay. Dito din nabubuo ang mga magandang alaala at mga pangyayari sa ating buhay na kailan man hinding-hindi natin malilimutan. Paano kung malaman mo na ang iyong bahay na tinitirhan ay hindi lang pala mga tao ang nakatira? Paano kung may iba pa palang nakikipag salamuha sa inyo at di mo malay na matagal mo na palang silang kasama, matulog , kumain, nanunuod ng tv at iba pang mga gawain madalas kapag nasa bahay ka. Matagal na pala silang nandyan na di mo alam na na gagambala mo na pala sila. Yung pakiramdam na nag iisa ka pero, ramdam mo na may kasama kang iba at para bang may mga nagmamasid sa iyo? yung bahay na hindi ka komportable kahit na anong gawin mo. Dahil ba to sa mga hindi natin nakikita? o gawa gawa lang tlga ito ng ating makukulit na imahinasyon. Pero sa kwentong ito ng aking kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Jess Hindi nya akalain na mararanasan nya ang mga bagay na hindi normal sa kanilang tinitirhan. Nung una ay masaya silang naninirahan sa isang malaking puting bahay sa Bacoor Cavite, ngunit di kalaunan nag iba ang mga pangyayari sa loob ng kanilang tinitirhan na dati ay masaya at ngayon ay nabalot na ng takot at kaba. Habang tumatagal mas madalas ang pagpapakita ng mga espiritung hindi matahimik at mga kaluluwang gusto pa din maki salamahuma sa mga tao, kahit na patay na sila. Tunghayan natin ang kwento ni jess tungkol sa kanilang bahay na ngayon ay tinatawag ng mga taga roon na White house, hindi dahil sa puti ang bahay, kundi dahil sa walang mukhang puting babae na laging nag papakita at sumilisip tuwing gabi sa bintana ng malaking bahay. Naka base ito sa totoong pangyayari sa buhay ni jess. alamin natin kung ano ba tlga ang misteryong bumabalot at ano ba talga ang kwento ng bahay na ito.