"Ahhhhhhhh!" Sigaw ng dalaga habang tumatakbo. Malapit na sana siya sa estasyon ng pulis ngunit hinatak ng binata ang kanyang buhok na kulang na lang ay matanggal na ito sa anit niya. "San ka pupunta? Hindi pa ko tapos." Ngumisi ito na may kasamang nakakatakot na halaklak. Kinaladkad niya ang dalaga habang hawak hawak ang isang baril. Hindi niya pa rin binabatawan ang dalaga hanggang sa makarating sila sa isang lumang bahay. Halata sa itsura nito na matagal na itong nakatunganga lamang at maaamoy rin ang nakakasulasok na amoy. "Ano bang pa bang gusto mo?." Pag sisigaw nito sa binata na agad sinampal ng binata dahil sa matining nitong boses. Pumunta ang binata sa kusina upang kumuha ng kutsilyo, lumapit siya sa dalaga at mariing hiniwa ang wrist nito. Ginawa niya rin ito sa kanyang sarili at pinagdikit ang dalawang wrist. "Ikaw, ikaw ang gusto ko. Akin ka lang,akin ka ka lang. Kasabay nito ang napakalakas niyang tawa na parang tawa ng isang demonyo. Marahan niyang hinmoalikan ang dalaga ngunit nagpupumiglas ito. "Tama na please..." Tuluyan ng tumulo ang luha ng dalaga. Tumigil ito at pinunasan ang luha ng dalaga. Nakangisilang ito at pinaikot ang kanyang ulo habang itinutok ang hawak na baril sakanyang ulo. Nanlaki naman ang mata ng dalaga. Gustuhin man niyang pigilan pero nangibabaw pa rin sakanya ang galit. "Sa gagawin mong yan paniguradong may I.D ka na sa impyerno." Tumawa lamang nang malakas ang lalake at tumigil. Mas lalong natakot ang dalaga ng itutok na sakanya ang baril. Sa ngayon ay seryoso na ito ngunit hindi pa rin ang ibinabaling ang mata at nakatingin lang ng diretso ang mata nito sa dalaga. "Kung pupunta man ako ng impyerno sisiguraduhin kong magkasama tayo." Hindi na nagpaligoy-ligoy ito at kinalabit ang gatilyo. Umalingaw-ngaw ang ingay ng putok ng baril sa buong kwarto at bigla na lamang natumba ito.All Rights Reserved