Sypnosis: Si Jean Lorraine Buendia o mas kilala bilang JL ay ang unica hija ng kagalang-galang na si Senador Ruel Buendia at ng asawa nito na si Mariane Buendia. Lumaking masayahin, mabait at malambing ang dalaga sa piling ng kanyang mga magulang. Ngunit wala nga talagang permanente sa buhay ng tao, dahil sa isang iglap ay nagbago ang mundong ginagalawan ni JL. Ang dating simple at mapayapa nilang buhay ay tuluyang nabaon na lamang sa alaalala nang may magtangkang pumatay sa kanilang buong pamilya. Hindi nakaligtas sa kamatayan ang kanyang pinakamamahal na ama't ina. Samantalang hindi naman malinaw kung maituturing ba na magandang bagay na nakaligtas s'ya sa trahedya. Dahil si JL ay napunta sa grupong Sygnòmi. Ang pinakasikat at pinakamagaling na grupo ng mga kriminal sa loob at labas ng bansa. Sila ang kumupkop at nag-alaga sa dalaga. Sila rin ang kasama ni JL habang unti-unti s'yang nilulukob ng galit at puot dahil sa taong pumatay sa kanyang mga magulang. Wala na ang dating JL. Wala na. Dahil habang patagal ng patagl, naglalaho na ang dati n'yang pagkatao. Nagkakaroon na ng puwang sa kanyang damdamin ang kagustuhan na maging isa sa kanila. Na maging katulad nila...isang kriminal. At kasama ang Sygnòmi, ang dating JL ay tuluyan nang nabura habang umuusbong sa kanyang loob ang pagkatao ni...CATTIVA.