Fall In Just A Snap (COMPLETED)
20 capítulos Concluído Unang tingin ko pa lang sa'yo, parang nadikit na at hindi maalis ang paningin ko sa'yo.
Unang dinig ng boses mo, para bang may magandang musika agad ang bumalot sa katauhan ko.
Nang minsa'y nagtama ang mga paningin nati'y, parang sa'yo lang umikot ang buong mundo ko.
At nang lumapit ka naman sa aki'y, biglang bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y maraming kabayo ang tumatakbo sa loob ko at parang sumisikip ang puso ko na hindi na magawang huminga, hindi alam kung ano ang gagawin, nakatulala lang na para bang huminto ang oras sa paligid natin at tayo lang ang gumagalaw sa mundong ito.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, hindi ko alam kung bakit ganito nalang kabilis ang mga pangyayari, na malaman kong nahulog na pala ako sa'yo.
_______________________________________________________________________
A/N: Sorry parang ang exaggerated masyado, pero please bear with it nalang, thank you.
Date started: May 17, 2017
Date finished: October 22, 2017
Revised date: July 17, 2018