63 parts Complete Okay na at simple lang naman ang buhay ni Kimmy sa paaralan niya. Kahit na prestihiyoso ang pinapasukang paaralan, kailanman ay hindi siya nakaranas ng malubha o mabibigat na pambubully. Tahimik at patuloy lamang siya sa pagiging scholar ng paaralan.
Ngunit katulad nga ng ibang kuwento, magbabago ang daloy nito dahil sa panggugulo ng isang sikat na lalake sa kanilang paaralan. Gwapo, mayaman, at sikat. Pinagkakaguluhan ng mga babae. Maganda pa rin ba ang idudulot nito kung dahil lang doon ay mararanasan na niyang masaktan?
Hindi pa nagtatapos doon ang problema niya dahil dumagdag na naman ang lalaking matagal na niyang hindi nakausap at nakita. Ang lalaking nakasama niya sa lungkot at saya noon.
Ang kanyang BF.... Best Friend...
Kakayanin ba nilang sumugal sa pag-ibig na walang kasiguraduhan? O mauuwi lang ang lahat sa wala? Papayag ba siyang masira ang binuo nilang pagkakaibigan at sabihin sa huling 'He's Not My Bestfriend.'?