Questions: 1) Ano-ano ang mga bagay na mayroon kang demand? Pangatwiranan kung bakit ang mga ito ay nararapat. Bilang isang tao, marami akong demands. Lalo na sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa aking collage meron akong nilagay na 5 karaniwang demands ko araw araw. Isa na rito ang pagkain. siyempre para mabuhay kailangan nating kumain. #foodislife Pangalawa ay ang libro. mahilig ako sa libro kaya naisama ko ito sa aking demand. at kung minsan pag may time ako nagbabasa talaga ako ng libro. Pangatlo naman ay ang toothbrush, toothpaste, towels atbp. siyempre para malinis ang katawan at para hindi ako nagkakasakit. Pang-apat na demand ay ang mga damit. siyempre kailangan may suot tayo araw araw. kailangan nating magdamit para hindi tayo malamigan at hindi tayo magkasakit at siyempre para tayo ay kumportable palagi. Panglimang demand ay ang laptop, cellphone, camera at iba pang gadgets. kailangan din natin ito sa pang araw-araw lalo na ang cellphone dahil nakakatulong ito bilang komunikasyon. ang laptop naman ay para sa mga takdang aralin at mas mapabilis ang pagsasaliksik ng impormasyon ng mga estudyante. 2) Alin sa mga salik ng demand ang nakakaimpluwensya sa iyo ng lubos? Ipaliwanag. Ang salik ng demand na nakakaimpluwensya sa akin ng lubos ay ang "Presyo ng kapalit" dahil bilang isang wais na konsyumer kung parehas lang naman ang kalidad ng produkto tapos ang isa ay mas mura. siyempre dun tayo sa mura lang. at makakatipid pa tayo. halimbawa, sa ballpen, sa Gtech at sa My-Gel kung tutuusin parehas lang naman sila.. kung gusto mo ng manipis lang edi pili ka pang ng point.. halimbawa sa My-Gel 0.3 sa Gtech 0.3 kung tutuusin parehas lang naman sila diba. eh magkano ba ang Gtech? triple pa yata ang presyo nito sa presyo ng My-Gel. kaya ang aking binibili nalang ay My-Gel. dahil kapag nahulog mo rin ang Gtech mawawalan rin ng tinta.All Rights Reserved
1 part