10 parts Complete Highest Rank #1 in fiction #1 in miss #1 in mister #1 in straight #1 in genderbender #1 in teens #1 in boyxgirl #5 in pretend #6 in fake #13 in General Fiction
Paano kung akala niya ay hindi ka karapat-dapat mahalin dahil kaiba ang pagkatao mo? Paano kung kahit nalaman na niya ang totoong ikaw, hindi pa rin niya kayang tanggapin? Saan ka na pupulutin? Saan na mapupunta ang lihim mong pagtingin? Mananatili na lamang bang lihim? At habang buhay mo na lamang bang ibabaon sa kaibuturan ng puso mo?
Si Moon Morales, isang tunay na babaeng napilitang magpanggap na lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang amain. Naging iba ang pagkatao, nagtago sa damit ng lalaki at nanilbihan sa mga San Huwes upang mabayaran ang isang utang na wala naman siyang kinalaman.
Si Jasper San Huwes, isang tunay na lalaking napilitang sikilin ang damdamin sa pag-aakalang nahuhulog na siya sa kapwa niya lalaki. Ngunit nang malaman niyang tunay palang babae si Moon, at wala nang hadlang sa kanyang nararamdaman, saka naman naging malabo ang lahat dahil ang mismong ama niyang si Don Diego San Huwes ay galit sa mga babae at kaya nitong saktan ang kaisa-isang nilalang na kanyang minahal.
Copyright © by Mar Mojica