Si Agent Scarlet ay magaling na agent na may madilim na nakaraan,pinatay ang kanyang pamilya ng di kilalang mga tao noong 9 years old palang sya at sa awa ng dyios naka ligtas sya. Buti nalang may umampon sa kanya na nag ngangalang David Smith na may anak na lalaking nagngangalang Yohan Zachary Smith na matanda ng dalawang taon sa kanya. Pinalabas ni Mr.David na anak sya nito sa ibang babae para narin sa kaligtasan nya na sya namang ikinagalit ng totoong anak nya na si Zack. Unang pagkikita plang nila nong mga bata palang sila ay di na sila nagkasundo. Hindi kasi gusto in Zack na magkaroon ng kapatid,ayaw nyang may kaagaw sya sa atensyon ng mga magulang nya. Kaya napagdesisyonan ni Mr.David na sa ibang bansa nalang patirahin at pagaralan si Scarlet. Naging sikat at magaling syang agent sa pagdaan ng mga taon,gusto nya kasing mahuli ang mga taong nasa likod ng trahidyang nangyari sa pamilya nya. Ngunit may isang misyong ipinagagawa sa kanya ang kanyang ama na si Mr.David at yon ay bantayan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Zack.Sa hindi malamang dahilan madami kasi ang gustong magtangka sa buhay nito kaya ganon na lamang ang pag aalala nya dito. Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Matatanggap na kaya sya ni Zack bilang kapatid nya? Pano kung sa muli nilang pagkikita ay mahuhumaling ito sa kanya? Uunahin ba nya ang pagibig kisa sa paglutas sa trahidyang nangyari sa pamilya nya?