7 Partes Continúa Sa Ember High, si Atrius Caspian Elias Malvar-o mas kilala bilang Ace-ang batas. Gwapo, matalino, makapangyarihan, at tagapagmana ng pinakamalakas na pamilya sa bansa. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Lahat ng ayaw niya, nawawala. Walang puwang sa kanyang mundo ang hindi niya kayang kontrolin.
Hanggang sa biglang dumating si Alisson Reika Verano, o Alisson-isang misteryosong dalaga na basta na lang lumitaw sa buhay niya.
Sa unang tingin, wala naman talagang espesyal kay Alisson, simple, palangiti, tahimik, at tila balewala sa kanya ang pang-bubully ng iba dahil sa kanyang pagiging kaiba. Pero sa kabila ng kanyang ngiti, may isang bagay sa kanya na hindi madaling basahin. Isang bagay na tila hindi niya ipinapakita sa mga tao. At kapag nagagalit siya? Isang kakaibang katauhan ang pinapakita nya-isang bagay na mas bumabagabag kay Ace.
Nararamdaman ni Ace ang matinding pagnanais na alamin kung sino talaga si Alisson. Sa bawat saglit na sinusubukan niyang kilalanin ito, mas lalo siyang nahuhulog sa misteryong bumabalot sa dalaga. Gusto niyang malaman ang totoo. Sino siya? Ano ang tinatago niya? Ngunit hindi niya inaasahan na sa paghahanap niya ng sagot, hindi lang ang mga lihim ni Alisson ang mabubunyag-kundi pati ang bahagi ng kanyang sarili na matagal na niyang ibinaon sa dilim.
Ngunit sa isang mundong puno ng lihim, paano kung ang taong gusto mong makilala ay siya ring pinaka-dapat mong layuan?
Dahil minsan, ang pinakamapanganib na sikreto ay nasa taong hindi mo kayang pakawalan.