Si Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman ganito, hindi siya nagpapadala. Nagsisikap siya para makadepensa pa rin sa kanyang sarili. Isang araw, mayroong matanda na kanyang natagpuan sa gubat kung saan ito'y nawawalan na ng hininga. Madali niya itong tinulungan. Ngunit sa paghawak niya lang sa kamay ng matanda, nawalan siya agad ng malay. Dahil dito, may mga maraming bagay na kailangan dapat niyang tuklasin. Ang kanyang paglalakbay patungo kung sino ang tunay na siya ay kanyang sisimulan na.
20 parts