May mga gabing hindi makatulog sanhi ng isip na nambubulabog pilit hinahanapan ng kasagutan mga tanong na palaisipan May mga araw na tulala nagmumukmok at nakatungo sa lupa hanggang kailan ba magkakaganito ang mundo kong parang walang pagbabago? May mga minutong nababalisa tila baga unti-unting napaparalisa ang katauhang nawawalan na ng pag-asa may dahilan pa ba para umasa? May mga sandaling lumuluha sanhi ng pananakit ng aking kapwa tanong sa sarili anong aking nagawa maliban sa ibigay ang puso at kaluluwa?All Rights Reserved