"Hindi ka ba napapagod tumakbo? Hindi ka ba napapagod mag-isa?"- tanong ng boses ngunit di sya nag-abalang sagutin ito. Nagpatuloy lang ang dalaga sa pagtitig sa kawalan. "Wag mo akong itulak palayo,pakiusap. Ako na lang ang meron ka sa kabila ng kaganapan sa buhay mo ngayon, Lia. Ako lang ang nanatili sa tabi mo-" Marahas na humugot ng hininga ang dalaga. " Ikaw mismo ang dahilan ng pagkawala ng lahat ng meron ako. Kinuha mo sila sa akin. Kinuha mo ang ang karapatan kong maging normal at mamuhay ng normal!" "Lia.." "Gusto ko lang ng normal na buhay. Ayoko sa ganito. Pakiusap, wag ka nang magparamdam." umiiyak na sambit ng dalaga. Tutol man sa desisyon ng dalaga ay pagbibigyan nya ito. "Naiintindihan ko. Pero tandaan mo. Mananatili at mananatili akong nakagabay at nakabantay sa'yo" Unti-unting tinangay ng hangin ang mga salita nito. Pinunasan nya ang luhaang mukha at naglakad sa tahimik at malamig na gabi patungo sa kawalan.