Patrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang dahilan ng galit niya sa mga babae - ang kaniyang ex-girlfriend. Sasabay pa ang pagdating ng isang makulit na babae na hindi tatablan ng kasungitan niya. May makapagpalambot ba ulit ng puso ni Cyriel sa dalawang babaeng muling papasok sa buhay niya?