May Isang babae na may balak magpakamatay sa taas ng rooftop ng kanilang school. Hindi ito natuloy dahil may isang lalaki na pumigil sa kanya. "Miss u -umalis ka jan! Delikado jan!" pagpipigil nya. Subalit mas lalo pang gustong magpakamatay ang babae at Isang hakbang na lamang nito ay pwede na syang mahulog "Miss! Wag mo ituloy yan! " sigaw na ng lalaki pero hindi sya pinakinggan nito. 'Ayoko ng mabuhay' sabi sa isip ng babae. Dahil sa bilis ng pangyayari nakuha na sya ng lalaki at parang binuhat na parang sako. Nagpupumiglas ang babae habang sinisi pa din nya ang sarili. "Miss paano na lang ang mga mahal mo sa buhay?!" napatigil ang babae pero hindi nya maaninag ang mukha nito dahil nakasumbrero ito at may takip sa bibig na kulay itim. Umiling ang babae at hindi pinakinggan ang sinabi ng lalaki. 'Walang nagmamahal sa akin' ito ang paniniwala ng babae sa kanyang sarili. "Kahit ano pa yang problema mo, Miss hindi solusyon ang magpakamatay! Gumising ka!" sigaw ng lalaki at pumitlag ang babae sa kanya. "Ayoko! Umalis ka!" pagpipiglas ng babae pero binalewala iyon ng lalaki. -- Natuto na ang babae sa pangyayari at hindi nya akalain na may balak pala siyang magpakamatay. Lasing kasi sya nung araw na iyon. Nalaman na din nya na si Ethan yung lalaking iyon dahil nakita nya ang araw na iyon na tumatakbo ang lalaki para hindi sya makilala. Maganda yung babae maraming naghuhumaling sa kanya pero isa lang ang nasa puso nya. Ang nagligtas sa kanya na si Ethan.All Rights Reserved